Tuesday, August 2, 2011

Bakit ba ang kulit mo?



      Bakit nga ba sadyang ang kulit ng lahi mo? Bakit ba palaging gusto mo ikaw na lang ang napapansin? Bakit nga ba sa kahit anong pagkakataon lagi kang may eksena. Bakit nga ba?

            Hindi ko mawari kung ang pagkamakulit mo ba e asset mo, way mo ba ng pakikipagkaibigan sa iba, pagiging sweet, malambing, o pagiging masayahin … well sorry I find it na papansin ka lang talaga.  Hindi ko ma-conclude, hindi ko madefine, hindi ko rin maexplain why, basta ang alam ko papansin ka yun na yun.

            I tried na makipagkaibigan sayo, siguro by that way I thought maiintindihan kita … kaso ayun siguro talagang hindi tayo bagay pagsamahin, or let’s say hindi talaga tayo dapat maging magkaibigan. Iba ugali mo at ibang Iba ang ugali ko sayo… Moody ka, consistent naman ako!

            Ang weird lang kasi, kahit anong reach out or patience na gawin ko, wala talaga it really annoys me when you talk.

            No insecurities, no hard feelings hindi rin naman ako nai-intimidate sayo, basta natural na lang ata tlaga to. Siguro nakasanayan na lang L

            Pansin ko rin may similarities din naman tayo. Nag kakaiba lang sa pag-project or way ng pagpapakita natin sa ibang tao.

            Minsan, you find time to talk to me, and I find it unusual kasi syempre we’re not that close or I guess even friends, kinakausap naman kita kaso I feel na I’m talking to a stranger ewan ba.. hahaha nahihiya din naman ako sayo, when you find time nga to talk to me, I keep on telling you na nahihiya ako, and you’ll ask me why tapos sasabihin ko sayo ewan ko.

            I don’t know if you feel the same way, o baliw lang talaga ako!
Siguro nga’t mas magandang ibaling ko na lang ang pansin ko sa iba para at least di ako nagkakasala.

Saturday, July 30, 2011

Mahirap Bakit Kaya



Mahirap, bakit kaya?
          May mga bagay sa mundo na mahirap ipaliwanag, mahirap sabihin at mahirap tanggapin.  Hindi mo alam kung ang mga bagay ba na nasayo pa ngayon ay sayo parin hanggang huli at ang mga tao ba na kasama mo ngayon ay sila parin sa susunod. Mahirap mag tiwala, umasa at maniwala sa mga bagay na alam mong hindi permanente at alam mong mawawala ring talaga.  Mahirap mag pakatotoo sa mga taong alam mong hindi naging totoo sayo, mahirap mag-tiwala sa mga taong alam mong hindi ka pinag-kakatiwalaan, alam mong mahirap  maniwala lalo na pag alam mong nag-sisinungaling lang sya at umasa pa na sana kaya mo pang baguhin ang lahat gayong alam mong huli na! MAHIRAP!
          Iba-iba tayo ng takbo ng utak. Iba-iba ng paniniwala at iba-iba ng gusto sa buhay.  Nabubuhay tayo sa kung ano ang balak at gusto nating mangyari, hindi pwede satin na ang pwede ay pwede na, na ang okay ay okay na, na ang tama ay tama na. Hindi mo matukoy kung alin, ano at sino ba ang nawawala. Hindi mo masabi kasi alam mong Mahirap! Mahirap!
          Hindi lahat ng alam mo sa isang tao ay yun na sya.  Hindi dahil madaldal sya at lagi mong kasama alam mo na ang lahat sakanya. Hindi lahat ng alam mo ay sapat na para malaman mo kung sino at ano ang ugali nya. Hindi lahat ng sapat ay sapat na, minsan ang sapat ay kulang parin para sa kanya...
           
Mahirap maging kampante, mahirap lumugar mahirap makisama. Nagiging mahirap ang lahat dahil pakiramdam mo hindi mo na sya kilala!!! 
                                                                                                                                                          -gliceldar
               

Ask me about my blog

My photo
sta.mesa, Manila, Philippines
positive thinker!