May mga bagay sa mundo na mahirap ipaliwanag, mahirap sabihin at mahirap tanggapin. Hindi mo alam kung ang mga bagay ba na nasayo pa ngayon ay sayo parin hanggang huli at ang mga tao ba na kasama mo ngayon ay sila parin sa susunod. Mahirap mag tiwala, umasa at maniwala sa mga bagay na alam mong hindi permanente at alam mong mawawala ring talaga. Mahirap mag pakatotoo sa mga taong alam mong hindi naging totoo sayo, mahirap mag-tiwala sa mga taong alam mong hindi ka pinag-kakatiwalaan, alam mong mahirap maniwala lalo na pag alam mong nag-sisinungaling lang sya at umasa pa na sana kaya mo pang baguhin ang lahat gayong alam mong huli na! MAHIRAP!
Iba-iba tayo ng takbo ng utak. Iba-iba ng paniniwala at iba-iba ng gusto sa buhay. Nabubuhay tayo sa kung ano ang balak at gusto nating mangyari, hindi pwede satin na ang pwede ay pwede na, na ang okay ay okay na, na ang tama ay tama na. Hindi mo matukoy kung alin, ano at sino ba ang nawawala. Hindi mo masabi kasi alam mong Mahirap! Mahirap!
Hindi lahat ng alam mo sa isang tao ay yun na sya. Hindi dahil madaldal sya at lagi mong kasama alam mo na ang lahat sakanya. Hindi lahat ng alam mo ay sapat na para malaman mo kung sino at ano ang ugali nya. Hindi lahat ng sapat ay sapat na, minsan ang sapat ay kulang parin para sa kanya...
Mahirap maging kampante, mahirap lumugar mahirap makisama. Nagiging mahirap ang lahat dahil pakiramdam mo hindi mo na sya kilala!!!
-gliceldar


No comments:
Post a Comment